Saturday, March 23, 2013
Tips para sa mas maayos at ligtas na biyahe ng riders group
Ang pagmomotorsiklo ay isang solong aktibidad, pero para sa marami, ang pagpapatakbo ng grupo, kasama man ang mga kaibigan tuwing Linggo ng umaga , o kasama sa organisadong motorcycle rally ay isang ehemplo ng motorcycling experience. Narito ang ilang mga tip para matiyak ang kasayahan at safe group ride:
Maghanda sa pagdating. Dumating sa oras na ang tangke ay puno ng gas.
Magsagawa ng riders’ meeting. Talakayin ang mga bagay gaya ng dadaanan, pamamahinga at pagtigil para sa paglalagay ng gasolina, at hand signals (tingnan ang diagrams). Magtalaga ng lead at sweep (tail) rider. Kailangang may mga karanasan ang riders na bihasa na sa group riding procedures. Kailangan ding matantiya ng leader ang kakayahang magpatakbo ng bawa’t isa at ang riding style ng grupo.
comments powered by Disqus
Kahalagahan ng pagsusuot ng helmet
Ang motorcycle helmet ay isang uri ng protective headgear na ginagamit ng motorcycle riders. Ang pangunahing layunin ng motorcycle helmet ay para sa seguridad ng mga rider- upang maprotektahan ang kanilang ulo sa panahon nang pagsalpok, sa gayon pinapaiwas o binabawasan ang pinsala sa ulo o mailigtas ang buhay ng isang rider. Ilan sa mga helmet ay nagbibigay ng karagdagang kaginhawahan gaya ng kaluwagan, kalasag sa mukha, proteksyon sa tainga, intercom at iba pa.
Mataas ang panganib sa banggaan sa trapiko ang mga nagmomotorsiklo. Nasuri noon sa 2008 systematic review, ang pag-aaral sa mga motorcycle rider na sumalpok, at nakitang namagitan ang helmet. Kabilang sa review ay ang pagbabawas ng mga helmet sa peligro sa pagkakaroon ng pinsala sa ulo mula sa may 69% at kamatayan na may 42%. Ilang pag-aaral din ang nagmumungkahi na ang mga helmet ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa facial injury pero wala umanong epekto ito para magkaroon ng pinsala sa leeg, bagaman kinakailangan pa ng maraming pananaliksik para makakuha ng kasagutan dito.
comments powered by Disqus
10 payong pangkaligtasan sa pagmamaneho ng motorsiklo
Halos araw-araw na lang ay napapanood natin sa telebisyon at nababasa natin sa mga pahayagan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo.
Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), daan-daang motorsiklo ang naaksidente sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila ang kanilang naitala. At siyam sa sampu sa mga napatay na rider at backrider ay hindi nagsusuot ng helmet. Isa sa mga pangunahing itinuturong dahilan ng aksidente ay ang pagkalango sa alak ng motorcycle rider.
Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad na batas na nagbabawal sa mga motorcycle riders na magmaneho ng walang suot na helmet at pag-inom ng alak ay marami pang sumusuway o hindi sumusunod dito.
comments powered by Disqus
Friday, March 22, 2013
New Yamaha fz16
Introducing the new FZ16! With its newly-developed design and style of new pillion seat with grab bar, wider and longer rear fender, new chain protector, and new color of front fork and LCD Meter. It highlights the optimum fusion of various design elements of “Triple Muscular Concept” such as 1) muscular silhouette, 2) muscular body parts and 3) muscular chassis. New ideas result to a remarkable design incorporating the latest element of global muscle machine proudly known as “The Muscular Machine Street.”
comments powered by Disqus
Monday, March 4, 2013
Quick Tips sa Group Riding
ANG pagmomotorsiklo ay isang solong aktibidad, pero para sa marami, ang pagpapatakbo ng grupo, kasama man ang mga kaibigan tuwing Linggo ng umaga , o kasama sa organisadong motorcycle rally ay isang ehemplo ng motorcycling experience. Narito ang ilang mga tip para matiyak ang kasayahan at safe group ride:
Maghanda sa pagdating. Dumating sa oras na ang tangke ay puno ng gas.
Magsagawa ng riders’ meeting. Talakayin ang mga bagay gaya ng dadaanan, pamamahinga at pagtigil para sa paglalagay ng gasolina, at hand signals (tingnan ang diagrams). Magtalaga ng lead at sweep (tail) rider. Kailangang may mga karanasan ang riders na bihasa na sa group riding procedures. Kailangan ding matantiya ng leader ang kakayahang magpatakbo ng bawa’t isa at ang riding style ng grupo.
Panatilihin ang grupo sa tamang dami, kadalasan ay lima o pitong riders. Kung maaari, paghiwalayin ang grupo sa maliliit na sub-groups, bawat isa rin ay may lead at sweep rider.
Maghanda sa pagtakbo. Kailangang ang isa sa grupo ay may balutan ng cell phone, first-aid kit, at full tool kit, para ang grupo ay nakahanda sa anumang problema na maaring makaengkuwentro.
Ride in formation.
Ang pahapay na riding formation (tingnan ang diagram) ay nagsasaalang-alang ng tamang lugar sa pagitan ng mga motorsiklo para may tamang oras at lugar ang bawat rider na magmaneubra at mag-react sa peligro. Ang leader ay nasa kaliwang ikatlong lane, habang ang susunod na rider ay mananatili ng kahit na isang segundo sa likuran ng kanang ikatlong lane; ang natitirang grupo ay sumusunod sa pattern. Piliin ang single-file formation sa makurbang daan, sa ilalim ng pangit na kundisyon ng daan, sa entering/leaving highways, o iba pang sitwasyon kung saan ang nadagdag na espasyo o maneuvering room ay kinakailangan.
Iwasan ang side-by-side formations, dahil magbabawas ito ng espasyo.Kung biglang kinakailangan lumihis para maiwasan ang peligro, walang lugar para rito para di magkasala-salabid ang handlebars.
Paulit-ulit na i-check ng riders ang kanyang hulihang view mirror. Kung makikita mo na may isang rider na bumagsak, bagalan ang takbo para matulungan ito. Kung ganito ang teknik na gagamitin ng lahat ng riders sa grupo, mapapanatili ang tamang steady speed nang walang pressure sa pagpapatakbo nang mabilis.
Kung nahiwalay sa grupo, huwag mag-panic. Ang grupo ay kailangang may pre-planned procedure sa lugar para mag-regroup. Huwag suwayin ang batas o magmaneho nang higit sa kaalaman.
Para sa mechanical o medical problems, gumamit ng cell phone para makatawag ng assistance kapag kinakailangan ng pagkakataon.
Basic Techniques For Group Riding
• Buksan ang head light ng motorsiklo
• Buksan ang mga signal lights ng motorsiklo
• Sumunod sa mga hand signals
• 15-25 metro ang pagitan o layo ng sinusundan
• Laging sundan kung sino ang sinusundan
• 'Wag mag-overtake
• Magbigay daan sa mga nag-o-overtake na bus, dyip, atbp.
• Magdahan-dahan o huminto kung wala na sa side mirror ang nakasunod
• Iwasang mag-break ng pabigla
• 'Wag mag-banking o palihis-lihis ng takbo
• Tumabi kung may nararamdamang aberya sa sasakyan
• Sumunod sa utos ng marshall at ride sweeper
• Sumunod sa batas trapiko Ang aksidente ay maaaring maiwasan kung maging alerto sa pagmamaneho at nasa kondisyon ang minamanehong motorsiklo!
SOURCE : PHLRC
Safety Riding with Big Truck
Napakahalaga para sa iyo na makita ka ng ibang tsuper.
Ang motorsiklo ay napakaliit kaya’t mahirap itong makita ng mga driver na nagmamaneho ng malalaking sasakyan.
Bilang payo, iwasang magmaneho na sa blind spot ng four-wheeled vehicle dahil hindi ka makita ng mga driver. Ang blind spot ay nasa likod ka ng malaking sasakyan at hindi ka makita ng driver sa kanilang mga side mirror.
Ang mabisang tips para makita ka ng mga driver, kailangan na ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan, sa kaliwa o sa bandang kanan.
Makakabuti rin kung laging buksan ang head light ng inyong motorsiklo para madali ka nilang makita. Dapat ikaw ay maging alesto rin sapagka’t baka biglang kumanan o kumaliwa ang sasakyang nasa inyong unahan o kaya’y baka bigla itong huminto.
Dapat ay nananatiling nasa tamang distansya at tantiyahin kung sakali mang mag-brake ng alanganin ang sasakyan.
Malaki rin ang tulong kung ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan dahil makikita mo ang mga paparating na mga sasakyan. Iwasan ding mag-overtake ng alanganin baka may biglang tumawid na sasakyan o tao na iyong masasagasaan. Samantala, gusto mo bang maging smart at cool rider? Napakadali lang! Sundin ang batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo.
SOURCE : PHLRC comments powered by Disqus
Subscribe to:
Posts (Atom)